Alamin ang iyong mga karapatan
Kung kailangan mo ng pagsasalin sa wika upang magsalita nang personal, humiling sa tanggapan ng Metro Council sa 503-797-1916 nang hindi bababa sa limang araw ng tanggapan bago ang pagpupulong.
Kung nangangailangan ka ng mga serbisyo o akomodasyon dahil sa kapansanan o upang magsalita nang personal, humiling sa tanggapan ng Metro Council sa 503-797-1916 nang hindi bababa sa 24 na oras ng tanggapan bago ang pagpupulong.
Dagdagan ang kaalaman
Maaari mong ibahagi ang iyong mga komento, preperensya at rekomendasyon sa Metro Council sa ilang paraan. Ang iyong pananaw ay maaaring maka-impluwensya sa mga desisyon sa patakaran. Ito ay magiging bahagi ng permanenteng rekord para sa paggawa ng desisyon sa aming rehiyon.
Maaari kang magbigay ng testimonya sa panahon ng:
Mga pagpupulong sa Council
Sa simula ng bawat pagpupulong sa countil, iniimbitahan ng presidente ng Metro Council ang mga taong magbigay ng testimonya sa mga paksang maaari nasa o maaaring wala sa agenda. Ang bahaging ito ng pagpupulong ng council ay tinatawag na "pampublikong komunikasyon."
Mga pampublikong pagdinig sa mga ordinansa
Iniaatas ng batas na ibukas sa publiko ang lahat ng ordinansa ng Metro Council. Sa mga pampublikong pagdinig sa mga ordinansa, maaaring magbigay ang publiko ng mga komento bago ang lehislatibong aksyon ng council.
Mga pampublikong pagdinig sa mga resolusyon
Hindi iniaatas ng batas ang mga pampublikong pagdinig sa mga resolusyon ng council. Ngunit tinatanggap ang pampublikong komento sa mga resolusyon sa sariling pagpapasya ng presidente ng council.
Maaari mo ring ibahagi ang mga nakasulat na komento online
Maaari kang magsumite ng testimonya sa Metro Council online sa anumang oras. Isumite ang mga komento bago lumampas ng 4 p.m. bago ang naka-iskedyul na pagpupulong ng Metro Council na interesado ka upang maging bahagi ang iyong mga komento ng rekord ng pagpupulong na iyon. Bago magsimula ang mga pagpupulong, matatanggap ng mga miyembro ng Metro Council ang mga komentong isinumite bago lumampas ng deadline.
Isumite ang mga komento online
Paano magbigay ng mga komento sa isang pagpupulong
Ang mga pampublikong pagpupulong ay nagaganap nang personal at online.
Maaari kang sumali sa mga pagpupulong ng konseho nang personal tuwing Huwebes sa Metro Regional Center sa ganap na 10:30 a.m., o sumali online sa pamamagitan ng Zoom. Kung kailangan mo ng tulong na ma-access ang pagpupulong online, mangyaring tumawag sa 503-813-7591 o mag-email sa [email protected] nang hindi bababa sa dalawang araw na may pasok bago ang pagpupulong.
Bago ang pagpupulong
- Tingnan ang mga agenda ng pagpupulong upang makita kung tatalakayin ang paksang interesado ka. Ang mga komento sa mga paksang nasa agenda ay hinihiling sa bahagi ng pampublikong komunikasyon ng agenda sa simula ng bawat pagpupulong. Ang testimonya sa mga partikular na ordinansa ay isasagawa sa panahon ng pampublikong pagdinig na naka-iskedyul para sa aytem na iyon.
- (Opsyonal) Mag-sign up nang maaga sa pamamagitan ng pag-email sa Legislative Coordinator sa [email protected]. Ipaalam sa coordinator kung gusto mong magkomento sa paksang nasa agenda ng pagpupulong. Ang mga taong magsa-sign up sa tanghali sa araw ng pagpupulong ay pauunahin sa linya para magbigay ng mga komento. Hindi kailangang mag-sign up nang maaga para magbigay ng pampublikong komento.
- Ang pampublikong testimonya ay limitado sa tatlong minuto sa bawat tao. Maaaring maging isang nakakatulong na gawain bago ito upang makatiyak na mayroon kang sapat na oras, at upang makapaghanda ng sasabihin nang sa gayon ay hindi binabasa ang bawat salita ng iyong testimonya. Kung ang malaking bilang ng mga indibidwal ay magsa-sign up para magsalita, ang haba na tatlong minuto sa bawat tao ay maaaring mabawasan upang matiyak na ang lahat ay may pagkakataong makapagsalita.
Sa online na pagpupulong
- Sa araw ng pagpupulong, bisitahin ang page ng Kalendaryo ng Metro Council. Hanapin ang pagpupulong na nais mong daluhan at i-click ang link ng lokasyon upang sumali sa iyong computer. Kung gusto mong sumali sa pamamagitan ng telepono, i-dial ang numero ng telepono na nakalista sa web page. Bigyan ang iyong sarili ng karagdagang minuto para mag-log in kung ito ang iyong unang pagkakataong makibahagi sa isang online na pagpupulong.
- Hintayin ang bahagi ng pampublikong komunikasyon ng agenda, o pampublikong pagdinig sa isang ordinansa. Tatawagin ang iyong pangalan kapag ikaw na ang susunod, kung maaga kang nag-sign up. Kung hindi ka magsa-sign up nang maaga, pakinggan ang mga tagubilin para "maitaas ang iyong kamay" ("raise your hand") sa virtual na paraan.
- Simulan ang iyong testimonya sa pamamagitan ng pagsasabi ng, "Para sa rekord, ang pangalan ko ay ______.”
- Magsalita sa counsil sa pamamagitan ng pagsasabi ng, "Presidente at mga miyembro ng council."
- Kung magbabahagi ka ng saloobin tungkol sa naka-iskedyul na desisyon ng council, sabihin kung sinusuportahan o tinututulan mo ang lehislatibong panukala. Magbigay ng maikling paliwanag sa kung bakit. Suportahan ang iyong mga personal na opinyon sa pamamagitan ng maraming katotohanan hangga't maaari.
Paano personal na ibibigay ang iyong mga komento
Ang council chamber ay matatagpuan sa loob ng Metro Regional Center, 600 NE Grand Ave. sa Lloyd District ng Portland.
Mangyaring tandaan na ang lahat ng mga pampublikong pagpupulong ng Metro ay kasalukuyang idinaraos sa Zoom dahil sa pandemyang COVID-19. Kung kailangan mo ng tulong sa pag-access sa pagpupulong online, mangyaring tawagan ang Legislative Coordinator sa 503-797-1916 nang hindi bababa sa 2 araw ng tanggapan bago ang pagpupulong.
Bago ang pagpupulong
- Tingnan ang mga agenda ng pagpupulong nang maaga online o sa council chambers upang makita kung nasa agenda ang paksang interesado ka.
- Ang pampublikong testimonya ay limitado sa tatlong minuto sa bawat tao. Maaaring maging isang nakakatulong na gawain bago ito upang makatiyak na mayroon kang sapat na oras, at upang makapaghanda ng sasabihin nang sa gayon ay hindi binabasa ang bawat salita ng iyong testimonya. Kung malaking bilang ng mga indibidwal ay magsa-sign up para magsalita, ang haba na tatlong minuto sa bawat tao ay maaaring mabawasan upang matiyak na ang lahat ay may pagkakataong makapagsalita.
- Magdala ng 10 (sampung) kopya ng anumang sumusuportang materyal, gaya ng mga mapa o iba pang babasahin, at ekstrang kopya ng iyong nakasulat na testimonya. Ibigay ang mga kopyang ito sa legislative coordinator kapag tinawag ka para magsalita.
Sa pagpupulong
- Kung darating ka sa pagpupulong at ang iyong aytem ay wala sa agenda, itanong sa legislative coordinator kung dapat kang magsalita sa panahon ng bahagi ng pampublikong komunikasyon ng pagpupulong, o kung dapat kang bumalik para magsalita kapag ang iyong aytem ay naka-iskedyul sa ibang panahon.
- Punan ang testimony card (kard para sa testimonya) ng iyong pangalan, address at aytem ng agenda (kung naaangkop). Ibigay ang card sa legislative coordinator. Ikaw ay dapat naroroon para ibigay ang iyong card. Pinahihintulutan lamang ng council ang isang card sa bawat tao, sa bawat pagpupulong. Pagpapasyahan ng presidente ng council ang pagkakasunud-sunod ng mga miyembro ng publiko na tatawagin para magsalita.
- Kapag tinawag ka para magsalita, pumunta sa harapan ng silid at umupo sa mesang may mikropono. Simulan ang iyong testimonya sa pamamagitan ng pagsasabi ng, "Para sa rekord, ang pangalan ko ay ______."
- Magsalita sa counsil sa pamamagitan ng pagsasabi ng, "Presidente at mga miyembro ng council."
- Magsimula sa pamamagitan ng pagsasabi kung sinusuportahan o tinututulan mo ang lehislatibong panukala sa agenda. Magbigay ng maikling paliwanag sa kung bakit. Suportahan ang iyong mga personal na opinyon sa pamamagitan ng maraming katotohanan hangga't maaari.
Paano magbibigay ang iyong mga komento sa pamamagitan ng koreo
- Ipadala ang iyong nakasulat na testimonya sa 600 NE Grand Ave. Portland, OR 97232 na may attention sa Metro Council.
- Isama ang iyong pangalan at impormasyon sa pakikipag-ugnayan.
- Isama ang sampung (10) kopya ng anumang sumusuportang materyal, gaya ng mga mapa o iba pang babasahin.
- Isaad sa iyong mga komento kung ang testimonyang isinusumite mo ay nauugnay sa paksang nasa agenda para sa nalalapit na pagpupulong ng council o pampublikong pagdinig. Ang testimonya ay dapat matanggap bago ang simula ng pagpupulong upang maging bahagi ng rekord ng pagpupulong.
- Ibibigay ang mga kopya ng iyong testimonya sa council kung natanggap ito bago ang naka-iskedyul na pagpupulong ng council.